1:44 am at gising na gising pa ko. Nakakawala ng antok ang pinakinig na sounds ni Tim. :o Astig. Eto at eto. Salamat, kaibigan. =)
Dahil nasimulan ko narin naman sa music ang post na to, ma-ishare na nga rin ang laman ng "planner" ko. Meron kasi akong mini planner at isang tunay na planner. Yung tunay na planner ay hindi mini. At ginagamit ko sya para sa mga boring na bagay kaya tunay na planner sya.
Etong mini planner ko ay isina-alang-alang ko sa musika. Parang talaan ng theme song ko per day. Di naman pala theme song. Ay, minsan oo. Pero minsan kung ano lang ang madalas kong pakinggan for that day. Kung ano ang naka-repeat kumbaga. O kung ano ang pinaka naisa-puso kong kanta sa araw na yun.
May mga araw rin na wala akong nasulat. Maaaring nalimutan ko icharge ang iPod ko, or pwede ring masyadong naka-shuffle ang songs kaya walang tumatak. O dahil Harry Potter audiobook ang pinakinggan ko nun.
Teka, ang haba ng intro. May mahiwagang kabute ata tong Coco Pops cereals ko.
Dahil tapos na ang January, eto na sila:
-January-
1. Hiwaga - Up Dharma Down
2. Talullah - Jamiroquai
3. Science - System of a Down
4. Toxicity - System of a Down
5. Stellar - Incubus
6. Lovefool - The Cardigans
7. Super Proxy - Eraserheads
10. Take a Picture - Filter
11. Cupid de Locke - Smashing Pumpkins
12. Where Boys Fear to Tread - Smashing Pumpkins
13. Edge of Desire - John Mayer
14. My Bus - Jang Geun Suk
15. Ang Huling Yakap ng Mundo - Imago
16. Wag Ka Nang Umiyak - Sugarfree
17. All the Way Down - Glen Hansard
19. Alright - Jamiroquai
20. Flicker - Up Dharma Down
22. Take a Picture - Filter
24. Wakewalking - Sleepwalk Circus
25. Camera Talk - Local Natives
26. June - Up Dharma Down
27. Echo - Incubus
28. Pictures of People Taking Pictures - Jack Johnson
29. Accelerate - R.E.M.
30. Every First Second - Up Dharma Down
31. Dramachine - Sugarfree
Ang dami ko na natype di pa ko antok. Naknangtilapia.
Yun lang po. Bow.
2 comments:
uy cool! gusto ko din gumanyan! hehehe :)
go go! 2nd month palang! :) Btw, yung mini planner ay parang yung bigay natin sa AV nung Christmas.
Post a Comment